COASTAL EROSION SA INFANTA, INIIWASAN SA PAGTATANIM NG BAKAWAN SA MGA BARANGAY

Nasa 1,000 puno ng bakawan ang muling itinanim sa Barangay Batang, Infanta, Pangasinan noong Biyernes, Pebrero 20, upang maiwasan ang coastal erosion at muling buhayin ang marine biodiversity sa lugar.

Pinangunahan ang inisyatibo ng iba’t-ibang opisina ng lokal na pamahalaan katuwang ang mga samahan at barangay council.

Matatandaang noong nakaraang taon ay nakapagtanim din ng 2,000 bakawan sa parehong barangay sa pangunguna naman ng MENRO na bahagi rin ng rehabilitasyon ng baybayin sa Infanta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments