Positibo pa rin sa red tide toxin ang mga shellfish meat sample na nakuha ng awtoridad mula sa coastal areas ng Bolinao, Pangasinan.
Ayon sa inilabas na advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1, mataas pa rin ang lebel ng paralytic shellfish poison ng coastal water ng Bolinao na lagpas sa regulatory limit.
Pinayuhan ng BFAR ang publiko na huwag muna kumuha, magbenta at kumain ng anumang uri ng shellfish, alamang o hipon hanggang sa hindi pa bumababa ang toxicity level upang maiwasan ang pagkakalason.
Ang mga isda at iba pang produktong dagat ay ligtas naman kainin pero kailangan itong linisan at lutuing mabuti, ayon sa BFAR Region 1.
Samantala, ang mga seashells at iba pang lamang dagat sa coastal areas ng Alaminos City, Bani, Anda at Sual ay negatibo sa red tide toxin at ligtas kainin. | ifmnews
Facebook Comments