COC at CONA ng mga aspirant sa 2025 elections, ilalagay sa Comelec website pagkatapos ng dalawang linggo

Target ng Commission on Elections (Comelec) na mai-upload agad ang kopya ng Certificates of Candidacy (COC) na ihahain para sa 2025 midterm elections.

Sa kapihan sa Manila Prince Hotel, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na hihintayin pa rin nila ang mga kopya ng COC na magmumula sa iba’t ibang lalawigan.

Maisusumite lamang kasi sa kanila ito isang linggo matapos ang COC filing.


Iiral muna October 1 hanggang October 8 ang filing ng COC para sa national at local positions.

Kasama sa ia-upload sa website ng poll body ang Certificate of Nomination and Acceptance ng mga aspirant na para sa mga miyembro ng partido politikal.

Ito ang unang pagkakataon na ilalagay sa website ang COC at CONA.

Una nang sinabi ng Comelec na layon nitong mabusisi ng mga botante ang kanilang pipiliing kandidato.

Facebook Comments