COC FILING | Bilang ng naghain ng kadidatura sa COMELEC sa QC, umabot na sa 21

Manila, Philippines – Umabot na sa bilang na 21 ang naghain ng kandidatura sa unang araw ng pagsisimula ng pagtanggap ng COMELEC ng COC.

Kabilang sa naghain ay dalawa sa pagka-alkalde, dalawa bilang bise alkalde habang ang labinglima ay mga nangangarap na maging konsehal mula sa anim na distrito .

Pinangunahan ni Vice Mayor Joy Belmonte ang paghahain ng kandidatura bikang mayor kasama ang ilan pa nitong kapwa kandidato sa partidong Serbisyo sa Bayan.


Bago magsarado, naghain din ng COC ang isang Allan bantilo na hindi pa tinatanggap ng COMELEC ang kaniyang COC sa pagka bise alkalde .

Bukod sa hindi kilalang si Bantillo ,nakapaghain din ang si Roderick Paulate na katandem ng nagbabalik sa pulitika na si pagka mayor na si Chuck Mathay.

Bukod sa dalawang mga bagito sa pagka konsehal na sina Ram Medalla na abak ni city councilor Toto Medalla ng 2nd district at kapatid ni Cong. Alfref Vargas ng 5th district na si PM Vargas ,pawang mga incumbent councilors na ang naghain ngayong araw ng COC.

Eksaktong ala singko ng hapon ay isinara na ng COMELEC ang pagtanggap ng COC.

Facebook Comments