Manila, Philippines – Halos hindi na mahulugang karayom sa dami ng mga taga suporta ng ibat-ibang kandidato at partylist na dumagsa sa harapan ng Comelec.
Bitbit ang kani-kanilang kandidato at partylist sinabayan pa ng mga banda halos hindi na magkamayaw sa dami ng mga taga suporta ni dating Senador Bong Revilla na galing pa sa Cavite sakay ng mga bus.
Dumagsa rin ang mga taga suporta ni Bro. Eddie Villanueva ng Cibac Partylist ang dumating sa Comelec kung saan hindi nila inaalintana ang tindi ng sikat ng araw.
Umaabot na sa 118 mga partylist ang nakapag-file na kabilang ang Senior Citizen, Ako OFW at Ang Kabuhayan habang umaabot naman sa 108 kabilang si Senator Sonny Angara na nag-file ng kanyang COC sa ikatlong palapag ng Comelec.
Facebook Comments