COC filing ng local candidates sa Parañaque City, nagmistulang piyesta; mga naghain ng kandidatura sa Pasay City, matumal

Pormal nang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) bilang alkalde ng Parañaque si Rep. Edwin Olivarez.

Magpapalit sila ng kapatid na si Mayor Eric Olivarez ng posisyon kung saan tatakbo naman ito bilang kongresista.

Nasa daan-daan ding mga tagasuporta ng mga konsehal mula sa iba’t ibang distrito ang kasama sa paghahain ng COC sa Parañaque City Hall ngayong Lunes ng umaga.


Samantala, sa Pasay City hanggang kaninang alas-9 ng umaga ay dalawa pa lamang ang naghahain ng kandidatura.

Inaasahang ngayong Lunes din maghahain ng COC ang kasalukuyang alkalde ng lungsod na si Mayor Emi Calixto-Rubiano at kaniyang mga kapartido.

Facebook Comments