Pormal nang nagtapos kahapon ang filing ng certificates of candidacy (COC) para sa gaganaping Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nasa 109 na aspirants ang naghain ng kanilang COC.
Lima rito ang nagmula sa special geographical area, 14 sa Basilan, 41 sa Lanao del Sur, 24 mula sa Maguindanao del Norte at 15 sa Maguindanao del Sur.
Samantala, naghain naman ng certificates of acceptance and nomination ang Regional Parliamentary Parties gaya ng Moro Ako, Progresibong Bangsamoro, Bangsamoro Party, Mahardika, United Bangsamoro Justice Party, BARMM Grand Coalition, Raayat, at 1-ASC.
Ayon kay Garcia, naging maayos at mapayapa naman ang COC filing na tumagal mula noong November 4.
Nasa 65 na pwesto ang paglalabanan sa halalan kung saan 25 ang para sa Parliamentary District representatives habang 40 ang para sa Parliamentary Political Parties na gaya ng party-list system.
Una nang sinabi ni Garcia na itutuloy pa rin ng poll body ang paghahanda sa BARMM elections hangga’t wala pang naisusumiteng batas na pipigil dito.
Idaraos ang halalan kasabay ng national at local elections sa May 12, 2025.