COC filing sa Cotabato city, matiwasay!

Ngayong araw pa ng Biyernes, April 20 magtatapos ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga nagnanais tumakbo para sa May 14, 2018 Barangay and SK elections, ngunit ituturing na matiwasay at mapayapa itong naidaos sa lungsod ayon sa Cotabato City PNP.

Sa panayam ng RMN-Cotabato, sinabi ni City PNP Dir. Sr. Supt. Rolly Octavio, naging “smooth” ang COC filing mula noong Sabado, April 14 hanggang sa mga sandaling ito.
Wala anyang naitalang hindi kanais-nais na insidente sa syudad kaugnay nito.
Napag-alaman na sa 37 mga barangay sa lungsod mahigit 20 dito ay unopposed.
Sinabi pa ni Sr. Supt. Octavio na makalipas ang halos isang linggong pag-iral ng election gun ban ay wala pang naitatalang paglabag dito ang City PNP.

Ang pinaghahandaan at pinagtutuunan naman ng kapulisan sa syudad ay ang ilalatag na security measures para sa campaign period na magaganap sa Mayo 4-12.


Facebook Comments