COC | Malaking face off ng mga pulitiko sa QC, inaabangan ngayong araw

Quezon City – Asahan ang malaking face off sa lokal na pulitika sa Quezon City para sa May 2019 elections.

Matapos ang ilang dekada ng paghawak sa puwesto bilang Vice, buo na ang pasiya ni Joy Belmonte na sasabak na siya sa Mayoralty race.

Bandang alas onse mamaya, magfa-file ng COC si Belmonte.


Determinado naman si Congressman Vincent “Bingbong” Crisologo na labanan si Belmonte na nagsabing magfa-file ng candidacy sa araw na ito.

Kumpiyansa si Belmonte na subok na ang kaniyang marka sa serbisyo publiko. Itutuon niya ang kaniyang panahon sa paghahatid ng basic services sa may tatlong milyong residente ng lungsod .

Si Crisologo naman ay itinuturing na idol ng masa dahil sa kaniyang pagtulong sa mga urban poor laban sa demolisyon at nasunugan.

Samantala, 3-way battle naman ang inaasahan sa pagka vice mayor sa Quezon City.

Si Councilor Roderick Paulate ay kakandidato bilang independent.

Makakalaban niya sina District 3 Councilor Gian Carlo Sotto at District 2 Representative Winston “Winnie” Castelo.

Si Sotto ay anak ni Senate President Vicente “Tito” Sotto. Siya ang running mate ni Vice Mayor Joy Belmonte.

Si Castelo na mister ng three-term Councilor Precious Hipolito Castelo ay ka-tandem naman ni Representative Vincent “Bingbong” Crisologo, President of the Ruling PDP-Laban party in QC’s District 1.

Papalitan naman ni Precious Castelo ang kaniyang mister na kongresista.

Facebook Comments