Manila, Philippines – Dumating na sa main office ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila ang Certificate of Canvass (COC) mula sa mga bayan ng Carmen at Tulunan at Pigcawayan sa North Cotabato.
Ang mga COC ay mula sa February 6 Bangsamoro plebiscite.
Sa Lunes, February 11 ay sisimulan na ng Comelec en banc na tumatayong National Plebiscite Board of Canvassers (NPBOC) ang canvassing ng mga balota.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – inaasahang darating ang karamihan sa mga COC ngayong weekend.
Nasa 600,000 botante ang lumahok sa ikalawang plebisito.
Sakop ng second BOL plebiscite ang buong lalawigan ng Lanao del Norte, maliban sa Iligan City at ang 67 barangay sa pitong bayan sa North Cotabato.
Facebook Comments