Coca-Cola, palalawigin pa ang operasyon sa bansa sa susunod na limang taon — PBBM

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palalawigin pa ng Coca-Cola company ang operasyon nito sa bansa sa susunod na limang taon.

Ayon kay Pangulong Marcos, malaking tulong ang $1 billion expansion ng kompanya na lilikha ng 100,000 na trabaho para sa mga Pilipino.

Patunay aniya ito na umuusbong na ang ekonomiya ng Pilipinas.


Para naman kay Coca-Cola Europacific Partners Chairperson Sol Daurella Comadran, may tiwala ito sa business climate ng bansa kung kaya’t positibo ang kanyang nakikitang resulta sa expansion.

Nabatid na sa kasalukuan ay nasa 9,000 ang trabahador sa Coca-Cola at 100,000 ang indirect employees.

Facebook Comments