CALASIAO, PANGASINAN – Humiling ang mga cockpit owners/operators sa pamahalaang panlalawigan kasabay ng ginawang pagpupulong sa pagitan ng mga ito kung saan hiniling ang tulong para sa posibleng pagbubukas ng mga sabungan dito sa lalawigan.
Mababatid na ipinatigil at ipinagbabawal pa rin ng national Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang operasyon ng face-to-face sabong dahil sa COVID-19.
Ilan sa mga pinag-usapan ay ang proposals ng mga cockpit operators sakaling payagan ng national IATF ang kanilang apela para sa limited face-to-face sabong, gaya ng pagpapatupad ng 50% capacity, pagsuot ng face mask, malimit na paggamit ng rubbing alcohol, social distancing at pagpapakita ng fully vaccinated card bago makapasok sa loob ng cockpit arena.
Nangako na tutulong ang pamahalaang panlalawigan para maiparating sa national IATF ang hinaing at kalagayan ng mga cockpit operators at ng kanilang mga tauhan. | ifmnews