Cockpit voice recorder ng bumagsak na eroplano ng LionAir, narekober na

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines na narekober na ang Cockpit Voice Recorder (CVR) ng Agusta WW24 Aircraft ng LionAir na bumagsak kagabi sa NAIA kung saan walong sakay nito ang nasawi.

Bunga nito, mapapadali na ang imbestigasyon ng CAAP Investigators sa tunay na dahilan ng pagbagsak ng nasabing eroplano.

Ang imbestigasyon sa anggulo ng crash at pagkasunog ng eroplano ay ini-imbestigahan ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB), habang ang anggulo hinggil sa kung may nalabag ang Aircraft Operator o mga Piloto sa Aviation Safety Procedure ay tinututukan naman ng Flight Safety Investigation Committee (FSIC).


Nakikipag-ugnayan na rin ang LionAir sa pamilya ng mga nasawi.

Nanindigan naman ang CAAP na huwag munang ilabas ang mga pangalan ng mga nasawi sa trahedya.

Sa ngayon, grounded muna ang lahat ng eroplano ng LionAir.

Facebook Comments