Coco Levy Trust Fund Act, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte

56

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang ganap na batas ang Coco Levy Trust Fund Act na magtitiyak ng pondo para sa industriya ng mga magsasaka ng niyog.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11524, layon ng batas ng bumuo ng plano para sa industriya ng mga magsasaka ng niyog na isusunod sa Philippine Coconut Authority (PCA) kung saan magkakaroon din ng konsultasyon sa mga magsasaka kasama ang kanilang grupo maging ang ilang ahensiya ng gobyerno.


Kailangan namang sumunod ng PCA sa ilang layunin kung saan kabilang ang mga sumusunod:

  • Pagpapataas ng produksyon at kita ng mga magsasaka ng niyog
  • Pagpapagaan ng kahirapan, edukasyon at sosyal na pagkakapantay-pantay
  • At rehabilitasyon, modernasyon ng industriya ng niyog tungo sa magandang produksyon

Habang kailangan namang nakapaloob sa plano ng National program ang mga sumusunod:

  • Community-based enterprises
  • Sosyal na pagpoprotekta sa mga magsasaka at manggagawa ng niyog sa mga sakahan kasama na ang kani-kanilang mga pamilya
  • Pagbuo ng grupo ng mga magsasaka ng niyog at pagpapabuti nito
  • At ang mga innovative research projects
Facebook Comments