Coco Martin, tatapusin na ang "Ang Probinsyano"

Hindi raw maisip ni Coco Martin kung paano tatapusin ang kwento ng seryeng “Ang Probinsyano.”
Ayon sa aktor, napakarami pa raw nangyayari sa ating bansa na magandang pag-usapan ngunit mahirap na ipakita sa soap opera.
Pero dapat anya abangan ang mas matitinding tagpo ng serye na matagumpay rin sa ratings.
Samantala, inamin ni Coco na siya mismo ang nagbigay ng payo sa rumored girlfriend na si Julia Montes para sa action scenes ng bago nitong serye na “Asintado.”
Dagdag pa niya, hindi madali ang paggawa ng action scenes taliwas sa nakikita sa tv.

Facebook Comments