Wednesday, February 11, 2026

Coconut Industry Development, kabilang sa 21 priority bills ni PBBM

Pangunahing prayoridad pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapaunlad ng industriya ng niyog upang mapalakas ang produksyon at mapabuti ang kabuhayan ng mga magniniyog sa buong bansa.

Binigyang-diin ito ng Pangulo sa ikatlong Legislative-Executive Development Advisory Council kung saan inaprubahan ang 21 priority bills ng administrasyon kabilang ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mahalagang sektor ang industriya ng niyog sa ekonomiya ng bansa, lalo na’t kabilang ang Pilipinas sa pinakamalalaking producer at exporter ng niyog sa buong mundo.

Noong 2024, umabot sa 14.77 milyong metriko tonelada ang produksyon ng niyog sa bansa, dahilan upang maging ikalawa ang Pilipinas sa buong mundo, kasunod ng Indonesia.

Kaugnay nito, inaasahan na ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa industriya ng niyog ay magdudulot ng mas mataas na kita sa mga magniniyog at magpapalakas sa posisyon ng Pilipinas sa pandaigdigang pamilihan ng agrikultura.

Facebook Comments