Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palakasin pa ang coconut industry sa Mindanao.
Ito ang inihayag ng pangulo sa pagpunta niya sa Davao Region kahapon kung saan pinanguhan nito ang pamamahagi ng coconut seedling sa Tagum City at Digos City.
Ayon sa pangulo, nasa higit ₱3 million halaga ng pataba at coconut seedling ang ipinamahagi ng pamahalaan sa ilalim ng Coconut Hybridization Project.
Habang namahagi rin ang pamahalaan ng mga sisidlan at pataba sa ilalim ng Coconut Fertilization Project.
Matatandaang nauna nang inihayag ni PBBM na target ng Pilipinas na maging number 1 exporter ng niyog sa buong mundo sa ilalim ng kaniyang termino.
Nabatid na pumapangalawa lamang ang Pilipinas sa Indonesia bilang biggest coconut exporting country sa buong mundo.
Titiyakin daw ng pangulo may sapat na pondo ang Philippine Coconut Authority (PCA) para sa ilulunsad nitong malawakang coconut tree planting program na target na makapagtanim ng 100 million puno ng niyog.