Cocopea, miyembro na ng NTF-ELCAC

Opisyal nang miyembro ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang Coordinating Council of Private Educational Associations o Cocopea.

Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkakasama sa Cocopea bilang isa sa dalawang private representatives na magiging official member ng NTF-ELCAC.

Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Ernesto Torres Jr., dahil dito ay inaasahan ang mas maigting na information awareness at education campaign laban sa terror grooming ng mga teroristang organisasyon tulad ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.


Sa pamamagitan aniya nito ay maliliwanagan ang mga mag-aaral sa posibleng sasalihan nilang terrorist groups, upang malayo sila sa panganib.

Nabatid na nasa 1,500 catholic private schools sa bansa ang nasa ilalim ng Cocopea.

Facebook Comments