COCOPEA, patuloy na nakikipag-ugnayan sa DepEd hinggil sa ipatutupad na flexible learning options

Inihayag ng Council of Private Educational Associations Philippines (COCOPEA) na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Department of Education (DepEd) hinggil sa
pagbibigay ng go signal ng ahensya sa mga pribadong paaralan na magpatupad ng
flexible options.

Ayon kay COCOPEA Managing Director Joseph Noel Estrada, lubos silang nagpapasalamat sa DepEd at hindi aniya sila bibitiw sa partnership nila sa pamahalaan para makapag-aral ang mga estudyanteng Pilipino kahit anong mangyari.

Naniniwala rin aniya silang magiging beneficial sa mga estudyante bilang complementary sa in-person classes ang option na ibinigay ng DepEd sa private schools gaya ng limang araw na face-to-face classes, blended learning modality at full-distance learning.


Nabatid na ipapatupad ng DepEd ang 100% face-to-face classes sa lahat ng paaralan sa bansa sa November.

Facebook Comments