Ala una singkwenta y nuwebe ngayong hapon ipinagpatuloy ang pag-convene ng Comelec En Banc bilang National Board of Canvassers (NBOC).
Present sa canvassing sina Comelec Chairman Sherrif Abbas, Commissioners Socorro Inting, Marlon Cosquejo, Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr.
Certificates of canvass mula sa Europa, Latin America at ilang lalawigan sa Visayas at Mindanao ang kina-canvass ngayon.
Kabilang dito ang mula sa Poland, Russia, Estonia, Mexico, Honduras, Nicaragua gayun din mula sa Northern Samar, Albay, Maguindanao at Navotas.
Samantala, wala pang anunsyo ang Comelec kung maipo-proklama na bukas ang mga nanalong senador at partylist groups.
Facebook Comments