CODE BLUE, ITINAAS NA SA MGA OSPITAL AT HEALTH FACILITIES SA ILOCOS REGION

Isinailalim na sa ‘Code Blue’ ang lahat ng ospital at pasilidad sa Ilocos Region bilang paghahanda sa epekto ng Bagyong Uwan.

Sa ilalim ng Code Blue, magkakaroon ng karagdagang personnel ang ipapadala sa mga evacuation center at pansamantalang health facilities partikular sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.

Activated din para sa rapid emergency response ang mga operations center, at mobile response teams, maging ang kahandaan ng mga medical supplies at gamot upang suportahan ang mga lokal na pamahalaan.

Tiniyak ng Department of Health-Center for Health Development I ang pinaigting na pagbabantay at pagtugon sa pangangailangan ng publiko.

Samantala, mariing ipinaalala ng tanggapan ang umiiral na price freeze sa 146 na gamot matapos isailalim sa State of Calamity ang buong bansa.

Facebook Comments