Manila, Philippines – Naniniwala ang Malacañang na dapat legally binding ang code of conduct sa South China Sea.
Ito’y matapos pumayag ang China na makipagpulong sa ASEAN para balangkasin ang code of conduct para maiwasan ang girian sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Giit ni Presidential Spokesman Harry Roque – balewala ang code of conduct kung hindi rin ito legally binding.
Para kay Prof. Jay Batongbacal ng UP Institute on Maritime Affairs and Law of the Sea – mas mainam na mag-usap at magkasundo ang mga ASEAN claimant countries bago humarap sa China.
Samantala, inilipat na sa Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.
Pero paglilinaw ni National Security Adviser Hermogenes Esperon – maari pa ring magtungo sa West Philippine Sea ang mga barko ng Philippine Navy at Philippine Air Force kung saan sila magsasagawa ng military operation.