CODE team, bumisita sa Pasay City bilang paghahanda sa mass vaccination

Photo Courtesy: RTVM Facebook Page

Aabot sa 6,032 residente ng Pasay City ang target ng lokal na pamahalaan na maturukan ng bakuna kontra COVID-19 kada araw kapag nagsimula na ang mass vaccination sa lungsod.

Ito ang inanunsyo ni Mayor Emi Calixto-Rubiano kaugnay ng Pasay City COVID-19 Vaccine Operations Manual na tinaguriang “Vaccine to the Future: EMI (Enduring, Meaningful and Invigorating) Future,” kasabay ng pagdalaw ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team sa Pasay City Hall.

Prayoridad ng Pasay Local Government Unit (LGU) sa vaccination ay ang mga frontline health workers na umaabot sa 4,546 gayundin ang 42,981 na senior citizens na 2nd & 3rd priority, habang 81,990 din ang eligible indigent population na 4th priority, at 672 uniformed personnel mula sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP) na 5th priority, kung saan aabot sa 130,189 sa Category A.


Limang araw kada linggo ang gagawing pagbabakuna kung saan 30,160 ang weekly target ng Pasay LGU sa mass vaccination.

17 vaccination sites ang inihahanda ng Pasay LGU na binubuo ng 11 schools, 2 barangay covered courts at 4 hospitals, kung saan ang target ay 464 katao ang babakunahan ng bawat site kada araw.

Facebook Comments