CODE team, magtutungo sa ilang lugar sa bansa na nagkaroon nang pagtaas ng kaso ng COVID-19

Bibisita ang Coordinated Operations to Defeat Pandemic or CODE team sa ilang lugar sa bansa na nagkaroon ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP Assistant Secretary Wilben Mayor na kabilang sa bibisitahin ng National Task Force against COVID-19 ang CALABARZON, Region 4A, Baguio City, Ilagan sa Isabela at ang Cagayan Valley.

Ayon kay Mayor, nais nilang bigyang suporta ang lokal na pamahalaan na nagkaroon ng pagsirit ng kaso ng COVID-19 at tulungan ang mga ito upang tuluyang mapababa ang active cases sa kanilang lugar.


Sinabi pa ni Mayor na numero unong mandato ni NTF Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr. na bawal ang pag-home quarantine ng mga may mild symptoms at asymptomatic COVID patients ng sa ganun ay hindi na sila makahawa pa ng iba.

Paliwanag nito, maraming available na isolation o quarantine facilities upang doon magpagaling ang mga suspected COVID-19 patients.

Facebook Comments