Code White Alert, idineklara ng DOH sa lahat ng Government Hospitals sa bansa

Idineklara ng Dept. of Health (DOH) ang Code White sa lahat ng Government Hospitals sa buong bansa ngayong Undas.

Ayon kay health sec. Francisco duque iii – ibig sabihin nito ay on-call dapat ang lahat ng personnel upang tumugon sa anumang emergency o pagdagsa ng mga pasyente.

Naka-alerto ang lahat ng ospital lalo na at maraming tao ang pupunta ngayon sa mga sementeryo at kolumbaryo.


Ang emergency service, nursing at administrative personnel ay naka-on-call status din.

Pinayuhan ng doh ang publiko na iwasang dumikit sa mararaming tao upang maiwasan ang pagkalat ng communicable diseases.

Facebook Comments