Itinaas na ng Department of Health (DOH) sa code white alert o pinakamataas na alerto, ang lahat ng mga health personnel at pampublikong pagamutan sa bansa.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ito ay bilang paghahanda sa posibleng fireworks-related injuries sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Nangangahulugan aniya na ang health emergency services ay naka-standby 24/7 at on call ang mga doktor at nars.
Kaugnay nito, hinimok ng DOH ang publiko na gumamit ng alternatibong paraan para sa pag-iingay upang maging ligtas ang selebrasyon ng Bagong Taon.
Facebook Comments