
Idineklara ng Department of Health (DOH) ang Code White Alert kaugnay ng inaasahang pag-landfall ng Bagyong Ramil sa Bicol Region ngayong araw.
Sa ilalim ng code white alert, tuloy-tuloy ang monitoring ng DOH Operations Center at naka-antabay na ang mga gamot, medical equipment, at Health Emergency Response Teams para tumugon sa mga maaapektuhang rehiyon sa bansa.
Tiniyak din ng DOH na nakahanda na ang kanilang mga gamot, first-aid kits, tents, at breastfeeding kits.
Gayundin ang malinis na tubig at water containers na ipamamahagi sa mga evacuation centers.
Facebook Comments









