Itinaas na sa Code White Alert ang mga health facilities at hospitals sa Region 1 kasunod ng pagdaraos ng Semana Santa.
Dahil dito, inaasahan na nakaalerto ang mga ospital at mga health personnels nito sa pagresponde sa anumang mga posibleng maitalang health-related incidents ngayong Mahal na Araw.
Nagpaalala naman ang tanggapan lalo na sa mga indibidwal na magsisi uwian sa kani-kanilang probinsya.
Binigyang-diin ni DOH Ilocos Regional Director Dra. Paula Paz Sydiongco ang kahalagahan ng pagpaplano ng byahe, at pagtalima sa safety guidelines ng awtoridad upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang pangyayari.
Hinikayat din ang mga mamamalagi sa mga baybayin lalo ngayong mainit na panahon na gawin ang mga precautionary measures upang maiwasan na maging biktima ng mga heat-related illnesses.
Samantala, magtatagal ang White Code Alert hanggang sa Easter Sunday. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨