CODE WHITE ALERT SA MGA PAMPUBLIKONG HOSPITAL SA PANGASINAN, TATAGAL HANGGANG LUNES

Patuloy na nakataas ang code white alert status sa mga pampublikong ospital sa Pangasinan hanggang Enero 6.

Ang nasabing alerto ay inilagay upang agad matugunan ang mga isinusugod sa ospital kasunod ng pagsalubong sa bagong taon. Tiniyak ng DOH na may sapat na bilang ng medical personnel at kagamitan upang asikasuhin ang mga nangangailangan, partikular na ang mga biktima ng mga insidenteng may kaugnayan sa paputok.

Sa Pangasinan, iniulat ng Provincial Health Office na umabot na sa 101 ang firecracker-related injuries (FWRI) sa lalawigan hanggang Enero 2. Mas mababa ito ng 31% kumpara sa 148 kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Umaasa ang mga opisyal ng kalusugan na hindi na madadagdagan pa ang bilang ng mga kaso sa mga susunod na araw. Patuloy rin ang kanilang paalala sa publiko na umiwas sa paggamit ng paputok upang maiwasan ang mga ganitong insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments