Inihayag ng Department of Health-Center for Health Development 1 na itataas ng kagawaran ang Code White sa mga hospital sa rehiyon sa darating na December 21 bilang paghahanda sa mga magiging biktima ng paputok.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, tagapagsalita ng DOH-CHD1, handa na ang mga hospital sa rehiyon sa nalalapit na Pasko at Bagong taon.
Sa December 21, magsisimula din ang surveillance ng kagawaran sa mga mapuputukan maging sa kahandaan sa pagresponde ng hospital.
Sinabi din ni Bobis, na sapat ang doctor at iba pang personnel na aasiste maging ang pagkakaroon ng sapat na gamot sa pagtataas ng Code White.
Base kasi sa datos ng kagawaran, may bahagyang pagtaas sa kaso ng mga fireworks related injuries noong Dec 21, 2021- January 6, 2022 na nasa 67 kumpara sa naitala noong December 21, 2020- January 6, 2021 na nasa 56 na kaso.
Hinimok ni Bobis ang mga residente ng rehiyon na gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay gaya ng tambol, musika at alternatibong pampailaw gaya ng panonood na lamang sa mga fireworks display.
Dagdag ng opisyal, maiiwasan din ng isang indibidwal ang respiratory illness kung iiwasan ang paggamit ng paputok.| ifmnews
Facebook Comments