Coding sa Baguio, Planong Tanggalin!

77

Baguio City, Philippines — Pinaplano ngayon ni Councilor Elmer Datuin na tanggalin ang number coding scheme matapos ang sunod sunod na reklamo ng mga commuters dahil sa haba ng mga pila sa mga terminal. Ito ay para sa mga Public Utility Jeepneys (PUJs).

Ayon kay Councilor Datuin ay nakarating sa City Council ang mga reklamong ito at ang pagtatanggal lamang ng number coding sa mga public jeepneys ang nakikitang solusyon dito. 


Anya pa, kadalasang nangyayari ang ganitong sitwasyon tuwing rush hours. Ipinasa ni Councilor Datuin ang resolusyon noong Lunes, January 7 ngayong taon.

Facebook Comments

From Advertisers