Cogie Domingo, itinangging gumagamit ng iligal na droga

Manila, Philippines – Itinanggi ng aktor na si Cogie Domingo na gumagamit siya ng iligal na droga.

Say ng 32-anyos na aktor, kumakain lamang sila at nagulat nang biglang magkaroon ng hulihan.

Handa rin aniya siyang sumailalim sa drug test para patunayan ang pagiging inosente niya.


Sa ngayon ay naka-detain pa rin sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna si Cogie.

Matatandaang tinarget ng operasyon ng PDEA ang isang babae at nagkataon na bumili rin ng hinihinalang shabu ang dating aktor.

Nabatid na matagal nang pahinga sa showbiz si Domingo.

Facebook Comments