Coin deposit machine, nakalikom na ng halos ₱4-M – BSP

Ikinatuwa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagdami ng gumagamit ng kanilang coin deposit machines sa mga pangunahing malls sa bansa.

Ayon sa BSP, ang 25 coin deposit machines ay nakalikom na ng ₱117.12 milyong coins o katumbas ng ₱399.1 milyon nitong Enero 15 ngayong taon.

Una nang sinabi ni BSP Deputy Governor Bernadette Romulo-Puyat na plano nilang maglagay pa ng dagdag na coin deposit machines sa iba’t ibang karatig na probinsiya ng Metro Manila.


Mula nang maipakalat ito noong nakaraang taon ay mayroon ng 110, 910 transactions ang kanilang naitala.

Matatandaang inilagay ng BSP ang nasabing mga makina para sa kanilang coin recirculation program.

Facebook Comments