Coin Deposit Machine ng BSP sa Ermita, Maynila, hindi muna magagamit

Hindi muna magagamit ang isang Coin Deposit Machine (CoDM) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa isang mall sa Ermita, Maynila.

Sa abiso ng BSP, isasailalim muna sa system maintenance ang naturang machine sa Robinsons Place Ermita, Manila.

Maglalabas naman ng anunsyo ang BSP sakaling matapos na ang maintenance at kung maaari na muling magamit ang CoDM na ito.


Samantala, hindi naman apektado ng system maintenance ang ibang mga CoDM sa Greater Manila Area kaya magagamit pa rin ito ng publiko ito na nasa sa ibang mga lugar.

Facebook Comments