Nakatakdang maglunsad ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng coin version ng ₱20 banknote sa katapusan ng taon o sa susunod na taon.
Ayon kay BSP Assistant Governor Dahlia Luna – lumabas kasi sa pag-aaral ng University of the Philippines (UP) na ang 20 peso bill ay ang pinakamaruming banknote dahil ito ang kadalasang ginagamit na pera sa bansa.
Pero sinabi ni Luna, ang minting cost ng coin version ay magiging mahal kaysa sa production cost ng 20 pesos banknote na nasa dalawang piso kada piraso.
Ang lifespan ng mga barya ay mas mahaba kaysa sa mga papel o bill.Target ng BSP na ilunsad ang 20 peso coin bago ang Christmas season.
Sa ngayon, isinasapinal na ang disensyo ng panukalang 20 peso coin.
Facebook Comments