Col. Padua, Karangalan ang Pamumuno sa TOG2-PAF

Cauayan City, Isabela­- Nakatakda ng bigyan ng bagong assignment si Col. Augusto Padua ng Tactical Operations Group 2 (TOG2) makaraang magtapos ang kanyang pamumuno sa TOG2 bilang Commander at maililipat na sa National Headquarters ng Philippine Air Force.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay Col. Padua, labis ang kanyang pasasalamat sa mga naging katuwang ng kanilang hanay partikular ang mga Local Government Agencies at Media bilang suporta sa mga programa ng TOG2-PAF.

Malaking karangalan din aniya na pamunuan ang TOG2 dahil maraming karanasan ang kanyang hindi malilimutan lalo na ang makitang napagsisilbihan ang taumbayan lalo na ang naranasang sakuna sa rehiyon dos.


Nabatid na isa na itong Executive Officer ng Office of the Assistant Chief of Air Staff for Operations ng Philippine Air Force.

Ipinagmamalaki rin niya ang kanilang naging hakbang sa pagbibigay impormasyon sa ilang kasapi ng rebeldeng grupo sa pamamagitan ng paghuhulog ng mga ‘leaflets’ mula sa himpapawid.

Pagsisiguro naman ng opisyal na magpapatuloy pa rin ang nasimulan na pagtalakay sa iba’t ibang isyung panlipunan nang mailunsad ang ilang kabanata na ng UP-UP Isabela (Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran).

Ilan pang programa ang inaasahang maipagpapatuloy sa pagpapalit ng kanyang liderato upang higit na mabigyan ng kaalaman ang publiko sa mga nangyayari sa lipunan.

Sa darating na biyernes, gaganapin ang turn-over of command ng TOG 2 sa Clark Airbase Tactical Operations Wing Northern Luzon.

Facebook Comments