Cold storage facilities ng agri-products, mahigpit na pinababantayan ng isang kongresista

Iginiit ni House Majority Leader at Zamboanga 2nd district Representative Mannix Dalipe sa Bureau of Plant Industry (BPI) at iba pang kinauukulang ahensya na ayunsin ang mekanismo at paigtingin ang pagbabantay sa mga cold storage facilities sa buong bansa para sa mga produktong agrikultural katulad ng sibuyas.

Ayon kay Dalipe, layunin nito na matukoy ang totoong suplay ng sibuyas at iba pang agri products at maiwasan ang pagmanipula sa presyo nito.

Paliwanag ni Dalipe, kung hindi mababantayan ay maaring palabasing puno na ang mga cold storage facilities kahit hindi naman.


Binanggit ni Dalipe na ang pagpapalabas ng maling impormasyon ukol sa tunay lagay ng suplay ng sibuyas at iba pang produkto ay paraan para maisagawa ang artipisyal na kakulangan sa suplay ng produkto para manipula ang pagtaas sa presyo nito.

Sabi ni Dalipe, ang ganitong sitwasyon ay maaring samantalahin ng mga smuggler at mga nagsasagawa ng hoarding at nandadaya sa presyo.

Facebook Comments