Cold storage facility sa Marikina City, nakahanda na para sa pagdating ng Sinovac vaccine mula sa Villamor Airbase

Inihayag ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na handang-handa na ang Department of Health (DOH) cold storage facility sa Marikina City sa pagtanggap sa 600,000 doses ng Sinovac vaccine na dumating na sa bansa mula sa China.

Ayon kay Mayor Teodoro, siya mismo ang sasalubong sa unang shipment ng COVID-19 vaccine pagdating sa Metropac Movers Storage facility sa Marikina City.

Pagtitiyak ng alkalde hindi problema ang pag imbak ng Chinese vaccine sa storage facility dahil may kapasidad ito ng hanggang 500 million doses ng bakuna.


Giit pa ni Mayor Teodoro ngayong gabi din pasisimulan ang distribution ng bakuna sa mga implementing units tulad ng mga hospital.

Bukas na pasisimulan ang rollout ng COVID vaccine sa ilang piling hospital sa Metro Manila.

Facebook Comments