Coleen Garcia – “More excited than scared” sa kasal nila ni Billy Crawford

Manila, Philippines – “More excited than scared.”

‘Yan ang say ng aktres na si Coleen Garcia nang matanong siya kaugnay sa nalalapit nilang kasal ng fiancé na si Billy Crawford.

Sabi ni Coleen, hindi siya naniniwala sa sinasabi ng ilan na bumabagal ang career ng isang babae kapag nagpakasal na ito.


Walang mawawala sa kanya sa halip ay madadagdagan pa nga raw ng tinawag niyang “magnificent person”.

December 20 noong isang taon nang mag-propose si Billy kay Coleen.

Sa 2018 naman sila nakatakdang magpalitan ng “I Do” na gaganapin sa isang isla.

Facebook Comments