Determinado ang Colegio De San Juan De Letran na maipagtanggol ang titulo nito sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 96 men’s basketball tournament.
Kaya naman ngayon pala ay palalakasin na nila ang kanilang lineup para sa inaasam na back-to-back titles sa susunod na edisyon ng liga.
Agad na magsasagawa ng tryout ang Letran sa oras na matapos na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipinatutupad ng gobyerno sa buong Luzon upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Malaking butas ang pupunan ng Knights sa pagkawala ni Letran Ace Jerrick Balanza gayundin ng mga kapwa beteranong sina Bonbon Batiller, Christian Balagasay at Tommy Olivario.
Magugunitang hinubaran ng Letran ng korona ang three-time champion San Beda University noong nakaraang taon.
Ito ang unang titulo ng Knights sapul noong 2015 at ika-18 kabuuang korona ng koponan sa liga.