Collaborative partnership agreement sa pagitan ng RMN Foundation Inc. At USAID’s Fishing Right Program, selyado na

Selyado na ang collaborative partnership agreement sa pagitan ng RMN Foundation Inc. at USAID’s Fish Right Program.

Layon ng kasunduan na mai-promote at ma-address ang iba’t ibang banta sa biodiversity, pagpapabuti sa marine ecosystem governance at pagpaparami ng fish biomass sa South Negros, Calamianes Group of Island at Visayan Sea sa pamamagitan ng RMN’s regional radio broadcast.

Pinapaboran din nito ang mga residente ng nasabing lugar, hindi lamang sa kapakanan ng kanilang lipunan at kalusugan kundi para mapangalagaan din ang kapaligiran.


Ang Fish Right Program ay ipinapatupad ng University of Rhode Island sa pakikipagtulungan ng local universities at non-government organizations (NGOs).

Lumahok sa isinagawang virtual press announcement sina RMN Chairman and President Eric S. Canoy, RMN Executive Vice President and Chief Operating Officer (RMN- MMV) Erika Canoy-Sanchez, at RMN Foundation Corporate Social Responsibility Manager Rhoda Navarro.

Gayundin ang mga kinatawan ng United States Government, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), USAID Fish Right Program at USAID Fish Right Program Communications Team.

Facebook Comments