Collector ng goma pinagbabaril patay sa bayan ng Magpet North Cotabato

Patay sa pamamaril ang isang collector ng goma sa bayan ng Magpet North Cotabato. Kinilala ni PSI Jose Mari Molina, hepe ng Magpet Pnp ang biktima na si Neil John “Toto” Navarro Blancaflor , 35 anyos residente ng Barangay Maleri sa bayan ng Antipaz North Cotabato . Sakay ng kanyang kulay itim na Honda XRM si Blancaflor at binabaybay ang kahabaan ng Poblacion, Magpet, alas 5 ng hapon kahapon ng siyay lapitan ng mga suspect at barilin sa ulo na nagsanhi ng agaran nitong kamatayan. Wala pang ideya ang Pnp kung sino ang salarin at ano ang motibo sa pamamaril. Nito lamang buwan ng Hulyo ay dalawang barangay kapitan na ang biktima ng pamamaril sa bayan ng Magpet.(AGS)

Facebook Comments