
[Babala: Sensitibong Balita]
Pinatalsik sa pagtuturo sa Bacolod City College ang isang lalaking propesor matapos itong inereklamo para sa kasong sexual harrassment ng isang estudyante ng eskwelahan.
Kinumpirma ni Bacolod City Legal Officer Atty. Karon Joseph Chiu na mula mismo kay Bacolod Mayor Greg Gasataya ang dismissal order at aprubado ng board of trustees ng eskwelahan.
Lumalabas na pinapadalhan ng teacher ng hindi kaaya-ayang mensahe sa text ang kanyang estudyante.
Batay sa desisyon, guilty ang college professor sa grave offense dahil sa request nitong sexual favor kapalit ang pasadong marka at favorable academic conditions.
Guilty rin ito sa light offenses dahil sa mga unwelcome na katanungan o komento tungkol sa sex life ng indibidwal, sexual flirtation, advances, at propositions.
Ang dismissal from service at perpetual disqualification from public service ay nakabatay sa Section 51 (A) ng 2017 Rules on Administrative Cases in Civil Service.
Kinumpirma rin ni Atty. Chiu na naghain pa ng Motion for Reconsideration (MR) ang propesor.









