College student, nahulihan ng marijuana sa Bacolod

Bacolod City – Sampung malalaking sachet ng pinaniniwalaang marijuana ang narekober ng mga miyembro ng Police Station 1 sa isang suspek sa Barangay 12 sa lungsod ng Bacolod kagabi.

Nakilala ang nahuling suspek na si Gerald Daza, 19 yrs. old, isang estudyante sa kolehiyo sa Bacolod at pansalamantalang naninirahan sa Barangay Granada.

Ayon sa hepe ng Police Station 1, Police S/insp. Leo Estopa, na unang hinuli si Daza na iligal na nagpipintura sa pader o vandalism sa isang water station sa lungsod.


At nang kinapkapan ang suspek, nakita ang dala nitong mga sachet ng pinaniniwalaang marijuana.

Sa ngayon nakakulong na si Daza at nakatakdang sampahang ng kaso.

Facebook Comments