College Student sa Dagupan City nabundol ng bus, patay!

Dagupan City – Idineklarang dead on arrival ang biktima kinilalang si Angelo Rose Bautista, 19 years old, college student sa University of Pangasinan at residente ng Barangay Mangin Dagupan City.

Napag alamang kaninang 2:30 ng madaling araw nangyari ang nasabing insidente. Ayon sa report nagmamaneho ang driver ng truck na kinilalang si Solomon Soriano sa direksyon ng biktima na lulan ng motor na patungo sana sa kabilang parte ng kalsada kung saan nahagip ito. Agad isinugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan kung saan dineklara itong dead on arrival.

Sa ngayon ang suspek ay humaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage of property. Patuloy namang nagpaalala ang mga otoridad na mag-doble ingat lalo na sa pagmamaneho kapag gabi.


Facebook Comments