College Student sa Naguilian Isabela, Nahuli sa Pagtutulak ng Marijuana!

56

Naguilian, sabela – Nahuli kahapon ng mga kasapi ng PNP Naguilian ang isang estudyante matapos ang ikinasang drug buy bust operation ng mga kapulisan sa Brgy. San Manuel, Naguilian, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng Isabela Police Provincial Office sa RMN Cauayan, kinilala ang suspek na si Gideon Obenar Dancel, bente anyos, binata, college student at residente ng Brgy. Palattao, Naguilian, Isabela.

Nakumpiska sa suspek ang pitong stick na nabalot ng puting papel na naglalaman ng hinihinalaang dried marijuana leaves, isang unit ng cellphones at limang daang piso bilang marked money.

Ang arestadong suspek ay nasa pag-iingat na ng PNP Naguilian para sa dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon samantala ang narekober na bagay ay dinala narin sa Crime Laboratory para sa kaukulang eksaminasyon.

Facebook Comments