COLLISION | Human error at kakulangan sa komunikasyon, itinuturong sanhi ng banggaan ng dalawang maintenance vehicle ng MRT-3

Manila, Philippines – Human error at kakulangan ng komunikasyon ang itinuturong sanhi ng banggaan ng dalawang maintenance vehicle ng Metro Rail Transit – 3 kaninang madaling araw.

Matatandaang pitong personnel ng MRT ang nasugatan nang magbanggaan ang dalawang “unimogs” habang nagsasagawa ng routine check sa riles sa bahagi ng Buendia at Guadalupe stations.

Ayon kay MRT-3 director for operations Mike Capati – mas paiigtingin nila ang kanilang standard operating procedure para hindi na maulit ang insidente.


Handa rin silang magsagawa ng imbestigasyon hinggil dito at tiniyak na mapaparusahan ang mga tauhang nagkaroon ng kapabayaan.

Itinanggi naman ni capati na naging mabagal ang aksyon nila sa pagdaragdag ng mga tren kaya naipon ang mga pasahero sa mga istasyon.

Aniya, agad silang nakapag-deploy ng kanilang mga augmentation bus na pansamantalang sumalo sa mga pasahero.

Samantala, ginagamot pa rin sa ospital ang mga nasugatan na sina Joseph Ursua, Rogelio Piamonte, Renjie Velarde, Alex Lumico, Randy Bulilan at Eric Cabab.

Facebook Comments