Tila hindi pabor si Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque sa proposal na isara ang lahat ng mga sementeryo sa Undas sa layuning maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Ayon kay Roque, naniniwala siyang importanteng araw para sa mga Filipino ang Undas dahil dito nila nabibisita ang mga namayapa nilang mahal sa buhay.
Kaugnay nito, imumungkahi ni Roque sa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na gawing color coded ang pagdalaw sa mga nitso o 4 hanggang 5 araw ang pagbisita pero tutukuyin lang kung sino ang makakapasok sa sementeryo sa isang partikular na araw.
Paliwanag ng kalihim, masusi itong pag- aaralan ng task force at isa sa mga agenda sa susunod nilang pagpupulong.
Matatandaang nagkakaisa ang desisyon ng Metro Manila mayors na isara sa Undas ang mga sementeryo upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.