COLORUM | Crackdown laban sa Angkas riders, paiigtingin – DOTr

Inatasan na ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na paigtingin ang crackdown nito laban sa mga pasaway na Angkas riders.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade – ang mga rider na patuloy na hindi tatalima sa kautusan ng Korte Suprema ay huhulihin at paparusahan.

Sa ilalim aniya ng batas, ang Angkas ay ‘colorum’ kaya hindi maari itong pumasada para na rin ng kaligtasan ng mga driver at commuting public.


Ang Angkas rider na lalabag ay papatawan ng ₱6,000 na multa at mai-impound ang kanilang sasakyan sa loob ng tatlong buwan at maaring ma-blacklist sa pagkuha ng prangkisa sa LTFRB.

Samantala, handa naman ang Angkas na magpaabot ng legal assistance sa mga mahuhuli nilang bikers.

Facebook Comments