Colorum na van, hinuli ng I-ACT matapos ireklamo sa hotline 8888

Hinuli ng Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT ang isang colorum na van na nag-aalok ng sakay sa mga bibiyahe para makauwi sa probinsya ngayong selebrasyon ng pagsalubong sa Bagong-Taon .

Bumabiyahe umano ang van mula Balibago, Laguna patungong Farmers Plaza sa Cubao, Quezon City at naniningil ng P200 kada pasahero .

Mabilis umaksyon ang mga operatiba ng I-ACT matapos makatanggap ng reklamo mula sa hotline 8888.


Hinarang at nahuli ito sa EDSA Ortigas na may lulan na 16 na pasahero na may kasamang apat na bata.

Naibalik naman ang pamasahe ng mga pasahero at naisakay muli sa mga PUV sa One Ayala Terminal.

Facebook Comments